<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d1804675565883533936\x26blogName\x3d..i\x27m+yours..\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://imyoursperhapsyourmine.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://imyoursperhapsyourmine.blogspot.com/\x26vt\x3d-8997932162112737478', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </head>

Friday, February 27, 2009




..whoaw whoaw whoaw..

..i'm back..

.hahaha.

----------------------------------------------------------------------------------------------------


Anu bang nakain ko at napagpasiyahn kong magbalik sa pagbablog..haha..anlungkot na kasi ng buhay eh..dumarami na rin ang problema..hindi naman maiiwasan yun eh..sa kabila nun pinipilit pa rin na maging masaya kahit papano..buti na lang at nandyan ang mga taong nagbibigay dahilan para ngumiti at tumawa ka..naks..haha..salamat na din sa mga taong iyon..dahil kahit papaano ay nagiging makabuluhan ang pananatili ko dito sa mundo..amp andrama naman..haha..anu nga ba tlga nakain ko ngayon..

Mula nung tumigil ako sa pagbablog marami na ang nangyari..maraming masasaya at meron din namang malulungkot..sa totoo lang nabulok na ang blog na ito eh..dati kasi nawalan nako ng interes sa pagbablog eh..nakakatamad kasi magupdate hanggang sa yung katamaran ay napupunta na sa kalimutan..hahaha..ngayon wala pa kong nasa isip na magandang topic para sa isang sariwang post..marami namang pwedeng topic eh..pwede tungkol sa newton - ang bago kong section para sa 4th year..haha..pwede rin naman ang mga tao sa paligid; mga bagong nakilala, mga dati na pero andyan pa rin o di kaya naman ang mga taong wala nang ginawa kundi manakit ng mga damdamin..huh nu daw.amp..so umpisahan na natin hangga't sinisipag pa ko..


----------------------------------------------------------------------------------------------------



..ang NEWTON..

[bow]



ito ang section ko ngayong 4th year..xempre hindi mawawala ang mga first impressions..haha..pero xempre din kadalasan mali ang mga first impressions..at ganun nga ang nangyari sa newton..sabi ko kasi dati naku po mukhang di ako bagay sa section na to kasi nung nalaman ko yung mga magiging kaklase ko, sa pagkakaalam ko sila ay mga gc, matitino,tahimik,may disiplina at magagaling..medyo di naman talaga ibang iba dun sa mga una kong naisip ang natuklasan ko sa mga kaklase ko ngayon.meron tlgang mga gc pero konti lang. may mga tahimik, peo pag magisa lang. may matitino, pero kapag napagalitan lang. mayron din naman disiplina ang bawat isa, pero halos lahat kami tinatago yung didiplina na yun. at marami din naman sa amin talaga ang magagaling, magagaling sa kalokohan, sa pantitrip, sa pang-aasar, sa kaautistican lalo na..dun kasi kami ngayon kilala eh. pag sinabing newton naku puro masama na iniisip nila..pero sa totoo lang hindi naman lagi eh..subukan lang nilang makahalubilo kami, tingnan natin kundi mapuno ng hangin ang kanilang mga tiyan..hahaha..

makasama mo ba naman unang una ang pinakaautistic samin pero pang leading man ang dating na si jervin mapanao. lalo na pag hndi to naturukan ng kanyang gamot. talagang magwawala to..isasaboy niya ang lahat ng kalokohang alam niya..mahahawa naman itong isa pang crush ng bayan si mark alvin 'markymark' dela cruz. tahimik pag tinignan pero makulit pag sa totohanan. pero magaling to sa dota boi. hanap ka kapustahan, hndi nito tatanggihan. kapeeps din nito ang batikang terorista ng milenyo si seth revelo. bigo man sa pag-ibig di pa rin nawala ng kanyang galing sa calculus..naks naman..pero magingat ka rin dito dahil pag ito ang ginalit mo siguradong sabog ang bahay mo..alagang-alaga naman sa pang-aasar nitong teroristang ito ang isa sa mga pinakatinatagong yaman ng porNewton si jan kenneth 'the baby' sta. ana. pagnakita mo siya dapat siguro magsuot ka na ng shades dahil siguadong masisilaw ka sa kanyang killer smile.. kaya lang itong si baby gusto na yata talaga maging isang tunay na binata..hanep kasi kung bumanat dito sa mala rapunzel na prinsesang ito na si pauline jane dela vega. isang babaeng ingat na ingat sa kanyang napakahabang buhok. hindi man bumigay sa killer smile ni baby ay mala prinsesa pa rin ang buhay niya. kasama naman niya parati itong si annalyn 'annalfriend' masangkay. balot na balot man ng mga ngiti ang kanyang labi siya ang babaeng hindi mo basta basta mapapatawa sa iyong mga punchlines o joke. hindi dahil ito ay corny kundi sadyang mabagal lang tlga ang pick-up nitong fan ni edward cullen. sa kanyang pantasya sa gwapong bampira ay kasundo niya rito itong si beverly 'bella' maquinana. the eco baby ang bansag sknya panu ba naman kasi parang nakalunok ng libro sa economics..pero pagdating naman sa lovelife naku complicated ang kanyang status. bestfriend yata siya dati nitong si ianna christine lopez. panu ba naman kasi pag ang pag-ibig tlga ang umiral wala na munang kaibigan. four years ko siyang naging kaklase at ex girlfriend siya nitong aming presidente na si rod xander 'bandoc' bondoc. ngayon iba na ang tinitibok ng puso niya. nabihag din yata ito sa amoy ng dugo ni bella. at hindi lang siya. sumabit pa itong six footer na german na si renz jerome nepomuceno. hindi man siya nagtatagumpay sa kanyang lovelife sigurado namang isa siyang magiging matagumpay na inhinyero.nakanang.haha.pero sa kabila nun patuloy pa rin siyang nabibihag sa kanyang first love na bumasted sa kanya nung last year's prom na si raissa mantaring. ang pinakamayamang bata sa balat ng lupa. kahit na nagiisang anak ay enjoy pa rin niyang kasama si tita elsie lalong lalo na kapag sila ay namimili sa divi.lagi mo siyang mkikitang tumatawa hndi dahil siya ay nababaliw na kundi dahi siguradong kasama niya itong pinakamagaling sa lahat ng bagay na si trishia gayle raymundo 'attorney' palconit. height doesn't really matter para sa kanya..hindi din naging dahilan ang kanyang sakit para hindi na siya tumawa at magpatawa ng mga tao. sa isang iglap ay alam na niya ang tumatakbo sa iyong isipan. at hindi ka na kailangan pang magsalita dahil alam na niya ang iyong sasabihin. hindi na ito nakapagtataka sa kanya dahil nga siya ang pinakamagaling. maprinsipyo at makatwiran siyang bata. hanep di ba. kaya kung papalag ka man, eh magisip-isip ka muna pare baka kasi pagsisihan mo iyon sa huli. pero hindi bale kung sakaling mapagtanto mo naman na ika'y mali at handa nang magsisi nariyan lamang naman si dante 'father' reyes jr. hindi man halata skanya ang pagiging banal ay mapapawow ka pag napunta na ang uspan tungkol sa Diyos. may balak yata siyang kabisaduhin ang bibliya eh. pero wag ka dahil matinik din ito pag dating sa babae kahit na papasok na siya sa seminaryo. magaling din siya sa badminton. champion to pare. teammate niya itong si jana monique tendencia. idol na sa badminton idol pa pagdating sa paglalayout at photography. nakakain yata to ng isang buong camera at isang buong edition ng photoshop e. sobrang lupit kasi eh. kadikit naman niya itong dati rin niyang kaklase noong third year na si danna loiuse 'the dancer' francisco. hindi lang magaling sumayaw kundi gc pa. ateneo passer ba naman e. kabilib ah. tahimik siya sa klase at napakasipag sa lahat ng subjects. parang ito ring kaklase niya rin dati noong ptolemy na si ena andrea antonio. tahimik din at masipag at may hidden talent din. magaling to kumanta pare.hanep to magaling pa sa chem at math.small but terrible tlga. isa pang ptolemy na lagi niyng kasama ay si jheri angelic gotangogan. ang no. 1 fan ni cookleta daw..fanfic master at napabayaang bata..napabayaan sa kusina. ang moody na liempo ng porN. haha..sa paggawa ng mga fanfic kasama niya ito si natasha alekxis 'yaoi empress' lucas. hanep to pag umiral ang imahinasyon. kung anu anu ang isinusulat. kadiri man sa iba para sa kanya ito ay mistulang vitamins..hahaha..cool na cool naman niyang kadikit itong si soraya oliveros. bise-prsidente ng porN at paang kabote nitong portyir.napapadalas ang pagabsent na di tulad ng dati. para din siyang si julius teodoro. palagi din siyang nawawala pero hindi naman umaabsent kundi parati lamang na nasa choir dahil isa lamang naman siyang magaling na pianista ng paaralan. tahimik at maina man sa klase ay pilit pa rin niyang inaabot ang kanyang pangarapna maging isang batikang musikero. naknamanng. pero itong si aira-faye perez. wala siyang palya kung umabsent pero pumapasok din naman kapag periodic test na. siguro nga ay ganun na lamang kabigat ang problema niya kaya lagi siyang liban sa klase..haha.para din pa lang itong si jienikarose guarino. sayang ang kanyang galing sa filipino dahil parati din siyang absent ng mahabang panahon.nakakagulat na lang at isang beses ay bigla mo siyang makikita sa paaralan. bestfriend niya itong si sylvia francesca legarto. ang tahimik na babae at malihim din. nakakagulat na lang na malaman na may lovelife na pala itong si bisfrend..haha..boyfriend lang naman niya itong si richard paul tiongco. the ega master.ewan ko ba san niya napuloy yung ega na yun..anyway..itong lalakeng to malakas magsiwalat ng kung anu sa publiko.haha.pero ito magaling to sa talumpatian,oratorical,debate.parliamentary procedures,sa pagdidirect, sa pag arte,magaling din sa physics,sa math,sa chem. salahat yata.
mamigay ka naman ng galing mo boi. ay hindi si pal ng pla ang pinakamagaling.haha. sanggang-dikit naman niya itong si emil nor urao. kakaiba ba ang pangalan. wag kayo magalala kakaiba rin siya sa personal..kadalasan mang napaglalaruan kakabilib pa rin itong si urao.may prinsipyo. eh kasi muslim eh..biro lng..haha..isa sa mga nangaasar sknya ay itong dati na rin niyang naging kaklase noong elementary si gabriel justine ramos. ang pinakamatinik sa babae. just look at his attitude pare wala ka na. malalim na tao at magaling magpayo. yung mga bagay na pinagdadaanan m eh tila ba napagdaanan na niya..oh san ka pa.haha..naging kaklase ko na rin siya noong second year..at magaling din ito sa basketball..shooter pare..he's on fire babies..haha.speaking of fire that symbolizes bravery eto na si joshua velasco ogot. the future cadet.the future soldier.the future leader of our nation..the pma passer.the pmma topnotcher.the la salle passer.the up passer.the every woman's dream.kadalasan mang hindi naiintindihan ng mga tao sa paligid niya, he's the type of person you would wish to be your long time friend.a good leader.a good follower.isa pa sa mga malaki ang potential maging leader ay itong aming mandaragat na si jan paulo magbanua relato. best friend ni joshua at gustong maging seaman. he's the guy that will make you laugh each time. payaso ng barkada pero sa totoong buhay ay seryoso.hirap man din sa kanyang buhay pag-ibig ay tapat naman ito kung magmahal. magaling din sa karamihan ng bagay at maasahan sa oras ng kalungkutan.

yan ang porNewton. mahirap man intindihin iisa lang ang kinikimkim..maging masya sa lahat ng oras..kilalanin ang bawat paghihirap.autistic at magulo man sa paningin nila, mahuhusay pa rin at tunay na kakaiba.yan ang mundo ko, yan ang buhay ko, sila ang nagsisilbing inspirasyon. KAMI ANG PORNEWTON .








Labels: , ,


..i'm yours perhaps your mine..
11:24 PM


Profile


.Peter Joreden R. Quetulio.
.16 years old.
.january 18, 1993.
.mascian.
.COURAGE.
.UREY.
.HERTZ.
.NEWTON.

LOVES & HATES


..loves..

.GOD.
.my famiy.
.her.
.my friends.
.everone.
.anyone.

..hates..

.plastic na tao.
.pakielamero.
.backstabbers.
.judgemental.
.irresponsible.
.mga papansin.

Tagboard


Links

K A R L A
J E D D
J E R E M A E
K R I S T O F F E R
T R I S H I A
P A U L I N E
M E L Y S A
B E V E R L Y

Archives

Feb 5, 2008
Feb 7, 2008
Feb 8, 2008
Feb 9, 2008
Mar 9, 2008
Sep 25, 2008
Feb 27, 2009
Feb 28, 2009
Mar 1, 2009
Mar 11, 2009

Credits.

zero one two three four
basecode

Music